Time Check: 2:43 PM
Friday. Last shift na tonight! Yes! After ng nakaka-stress
na week sa work, sa wakas makakapagpahinga na rin. Hehe.
Kapag ganitong last day ng shift sa work, eto kaagad
pumapasok sa isip ko na pagkakaabalahan ko sa aking dayoff…
1.
2.
3.
Hindi ito…
Pramis! Hehe. =)
Ok. T@n&!n@! Walang naniniwala for sure. Iniimagine lang naman di ba? Sinabi bang ginagawa? Hehe.
Ok. Magpapaliwanag ako...
Ok. Magpapaliwanag ako...
1. Dati, palasimba akong tao. Lalo na nung bata ako. Palasimba kasi lola ko. Naaalala ko noon, siguro 5 yrs old ako, nagwawala ako pag di ako sinasama ni lola magsimba. Natigil nung mga medyo 10 yrs old nako. Nahilig nako noon manood ng TV e. Kapanahunan nina Shaider. Inaabangan kasi namin ng mga kalaro ko na lumitaw panty ni Annie pag nakikipaglaban siya e. Ayun. Hehe.
Tapos, medyo bumalik nung college nako. Pero di consistent. Pero at least nakukuha ko pa din magsimba.
Peak ng pagkarelihiyoso ko e nung nagrereview ako for board exam. Wagas. As in 2-3 times ako magsimba in a week. Lalo na nung malapit na board exams. Di naman sa may hinihingi ako nung panahon na yon kay Lord kaya sobrang dalas ko magsimba.
<kulog at kidlat effect>
Madami lang ako free time noon kaya ayun. Hehe.
2. Mahilig ako magbasa. Pero sa isip lang. Haha. Madalas, pag may inumpisahan akong book na basahin, for sure di ko matatapos. Wala akong tiyaga e. Atsaka pag predictable yung story, di ko na tatapusin. E dun na din naman papunta. Sayang ang time. Inom na lang ako. Haha.
Kapag exciting naman yung story, mag-iiskip ako ng pages para alam ko na agad mangyayari. Madaya. Haha.
Ilan sa mga na nabasa ko na ay The Alchemist, Five People You Meet in Heaven, Tuesday's With Morrie, Bob Ong books, Dan Brown books, Purpose Driven Life, konting Twilight/Harry Potter/Percy Jackson/Hunger Games Series, Pasalat ng Peklat, Budburan Mo Ng Suka Ang Natutuyo Kong Lumpia, Langitngit ng Papag, at madami pang iba. Ni isa wala ako binili. Puro hiram. Haha.
Binabasa ko ngayon e yung "Power of Six". E-book. Sequel ng "I Am Number Four". Mga 2 months na nung magstart ako. Di ko pa nakakalahati. Hehe.
3. Maglinis ng kwarto. No Comment. See for yourself. Parang nasa gubat ka lang. Hehe. =)
So ayun. Walang kwenta di ba? Redhorse na nga lang. ehe.
Tsaka mo patugtugin to..
Ayus ya ne?! Danang Bamboo!
Ah Yeah!
No comments:
Post a Comment
Providing a comment will help me improve on my succeeding posts. It won't hurt leaving a one-liner comment. Right? Beeh! =p